ARALIN 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
ARALIN 2: Unang wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino
ARALIN 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika
ARALIN 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
Ang wika ay isang sistema na mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugan nais nating ipabatid sa ibang tao.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN
1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tableta ng mga Sumerian, papyrus ng mga Egyptian at iba pa.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag awit, pagtulong sa tumatawid sa daan at iba pa.
GAMIT NG WIKA
1. Gamit sa Talastasan
2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o Imbakan
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong paraan
KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA
1. Maituturing na pormal ang isang wika kung ito ang kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, pamayanan, bansa, o isang lugar.
2. Di-pormal na wika ang madalas gamitin sa pang araw-araw-araw na pakikipagtalastasan.
KOMUNIKASYON
Ang Komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1. Ang intrapersonal na antas ng komunikasyon ay nakatuon sa sarili.
2. Ang interpersonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3. Ang Organisasyonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon.
TATLONG URI NG KOMUNIKASYON
1. Komunikasyong pabigkas
2. Komunikasyong pasulat
3.Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter0
UGNAYANG WIKA, KASAYSAY, AT LIPUNAN
Hindi maikakaila na ang wika ang siyang nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at lipunan. Nagagawa ng wika na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng Kaalaman mula sa paligid, mapatatag ang relasyon sosyal sa ating kapwa at makabuo ng isang kolektibong karanasan ma may tiyak na pagkakakilanlan. Ang wika ay maituturing na tagapag-ugnau ng mga tao na bumubuo sa isang tiyak na lipunan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ulat ng mga misyoneryong Kastila, kanilang nadatnan na ang mga Pilipino ay marunong nang magbasa at magsulat gamit ang baybayin na naglalaman ng 17 simbolo. Ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana sa paraang baybayin.
Bukod natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maginh kapakipakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.
MGA SALIK NG LINGGUWISTIKONG KOMUNINDAD
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at nababahagi ito sa iba
2. Nakapagbahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interprerasyon nito
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
Halimbawa:
• Internasyonal
• Rehiyonal
•Pambansa
• Organisasyonal
SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
Ang sosyolek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.
Ang idyolek naman ay ang natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Ang diyalekto ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.
MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA
•Wikang Ingles
•Unang Yugto
•Ikalawang Yugto
• Unang Yugto ng Wikang Pilipino
• Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino
• Ang Unang Wikang Filipino
• Ang Ikalawang Wikang Filipino
• Monolingguwalismong Ingles
• Unang Bilingguwalismo
• Ikalawang Bilingguwalismo
• Unang Multilingguwalismo
• Ikatlong Bilingguwalismo
• Ikalawang Multilingguwalismo
•Ikatlong Multilingguwalismo