Wednesday, 25 September 2019

ARALIN 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global

UGNAYANG WIKA, KASAYSAY, AT LIPUNAN

Hindi maikakaila na ang wika ang siyang nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at lipunan. Nagagawa ng wika na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng Kaalaman mula sa paligid, mapatatag ang relasyon sosyal sa ating kapwa at makabuo ng isang kolektibong karanasan ma may tiyak na pagkakakilanlan. Ang wika ay maituturing na tagapag-ugnau ng mga tao na bumubuo sa isang tiyak na lipunan. 

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA 

Baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ulat ng mga misyoneryong Kastila, kanilang nadatnan na ang mga Pilipino  ay marunong nang magbasa at magsulat gamit ang baybayin  na naglalaman ng 17 simbolo. Ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana sa paraang baybayin. 

No comments:

Post a Comment