Wednesday, 25 September 2019

ARALIN 1: Wika, Komunikasyon, Wikang Pambansa

 Ang wika ay isang sistema na mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugan nais nating ipabatid sa ibang tao.

DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. 
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tableta ng mga Sumerian, papyrus ng mga Egyptian at iba pa. 
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe. 
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag awit, pagtulong sa tumatawid sa daan at iba pa. 

GAMIT NG WIKA

1. Gamit sa Talastasan

2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o Imbakan
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong paraan

KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA 

1. Maituturing na pormal ang isang wika kung ito ang kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, pamayanan, bansa, o isang lugar. 

2. Di-pormal na wika ang madalas gamitin sa pang araw-araw-araw na pakikipagtalastasan.

KOMUNIKASYON

Ang Komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. 


ANTAS NG KOMUNIKASYON

1. Ang intrapersonal na antas ng komunikasyon ay nakatuon sa sarili. 
2. Ang interpersonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok. 
3. Ang Organisasyonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon. 

TATLONG URI NG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyong pabigkas
2. Komunikasyong pasulat
3.Pakikipagtalastasan sa pamamagitan        ng kompyuter0

No comments:

Post a Comment