Wednesday, 25 September 2019

ARALIN 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika

Bukod natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maginh kapakipakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.

MGA SALIK NG LINGGUWISTIKONG KOMUNINDAD
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at nababahagi ito sa iba

2. Nakapagbahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interprerasyon nito
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. 


Halimbawa:


• Internasyonal

• Rehiyonal
•Pambansa 
• Organisasyonal


SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
Ang sosyolek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.

Ang idyolek  naman ay ang natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. 


Ang diyalekto ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.

No comments:

Post a Comment